Para Sa Mga Takot Sa Punyetang Relapse. 

May tinatawag na maintenance even after nagtagumpay ka sa pagmomove on. Mas matagal pa nga ata yun kesa sa aktwal na paghilom. Yes, may kasunod agad na steps ang pagmomove on. 

Andaming ways para magmove on. Magsisimula yon kapag handa ka na. Pero alam mo anong mas nakakatakot? Relapse. Kasi you’re more vulnerable than ever. Tsaka ayaw mo na pakatanga uli.

Pero may mga bagay na di mo mapipigilan. Kagaya ng pabebe girls at mga feelings mong pabebe din. Di kita mabibigyan ng timeline kelan nangyayari ang relapse. Madalas, ambabaw lang ng trigger, pero feeling mo talo ka agad pag gusto mo nanaman bumalik sa hinayupak na yon.

Kalma, ‘te. Normal yan. The following are fool-proof (naks, ulol) steps para wag magrelapse:

 

01. Ipaalala sa sarili ang repercussions ng relapse.

Darating at darating ka sa point na feeling mo wala ka nang pake ano mang mangyari basta mabalik lang sya sayo. Feeling mo ready ka magrisk uli sa kanya. Sa puntong ito, isipin mo bat ba natapos ang lahat in the first place. Kapag binalikan mo ba sya, may magbabago na ba? Ipaglalaban ka na ba nya? Kung ang sagot ay no sa mga tanong na ito, eto mapapala mo:

  • wala
  • sayang oras
  • sakit
  • katangahan (Tigilan mo na to. Sumali ka sa campaign ko, #wagtanga2015)

  

 

02. Iwasan uminom, malasing, pag alam mong marami ka nanamang feelings.

Alam mong magda-drunk text/tweet/status/call ka na e, humahanap ka lang ng excuse para macontact sya. Wag ka nga. 

Counterproductive yun after all the moving on na ineffort mo na. Drunk text ka pa, tas pag di ka pinansin, masama loob mo. Pag pinansin ka, ano, kinaganda/kinapogi mo ba? Hindi. Pag sober ka na, maiisip lang nya, patay na patay ka pa din sa kanya. 

Sa lahat ng ayaw mo ay maawa na lang sya sayo kaya nagrereply pa sya.

03. Lumayo hangga’t kaya mong lumayo.

Emotionally, physically, mentally, spiritually, ano pa? Kung afford mong magtravel, maglakwatsa, and to put actual distance sa kung san ka man nya iniwan, gawin mo. 

Sinabi naman sa ‘yo na maraming natutulong ang Distancia, Amigo.

Itong portion na ‘to, kelangan mo i-meynteyn hangga’t nararamdaman mo yung urge na lumapit at paliitin ang mundo nyo.

04. Let yourself feel all the feelings kapag bumabalik.

Pag pinigilan mo lalo lang lumalakas e. Let yourself feel everything all over again. Ang strength mo di na manggagaling sa pagiging bato kundi sa desisyon na wala kang gagawin about your feelings. Kasi kahit anong dami pa nyan, nauubos din, nawawala, napapagod, magiging muted until it ultimately fades. Buti na lang walang forever. Sakit? It’s not gonna last forever.

05. Wag tumambay sa nakaraan.

  


Ang last pero pinakaimportanteng kaakibat ng Step 4. Sige feel all your feelings pero wag ka tumambay sa kahapon. Napakadelikado ng what ifs and could’ve beens dahil sa kahapon ka na lang mabubuhay kung saan wala nang tao kundi ikaw. And you’ll only starve yourself. Isa pa, sabi nila nostalgia is a trap–an illusion that makes you think that everything was better than it actually was. 
Ganun ganon na lang ba yon? Matapos mong sikaping maging buo muli, magpapakatanga ka na naman sa kanya isang text lang ng ‘I miss you’

Ba’t di ko na lang kaya dukutin puso mo at ako na lang kakatay? Gusto mo ata e.
Joke lang. Alam ko mahirap. Iinom naten yan.

  
**

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s